2 Lessons from Vigan City

Ngayong araw na ito gusto ko lang I kwento sau yung naging experience ko nung pumunta ako sa Vigan City together with my family and in laws.

Mula sa aming bayan na Badoc papunta sa Vigan, ay mga 20 minutes ang biyahe pero umabot kami ng 40 minutes dahil sa maraming ni re repair na kalsada sa ibat ibang bayan kaya medyo mabagal ang usad ng traffic.

Lumuwas kami sa bahay bandang alas dos-medya ng hapon at dumiretso kami sa kilalang park ni Sir Chavit Singson na kung tawagin ay Baluarte.

Dati rati kapag umaga kami pumupunta ay FREE lang ang entrance. Pero sa araw na yun ay may naganap na Fire Dance sa loob ng park kaya may bayad.

Nung mga bandang 3:30pm pa lang ay umakyat kami sa bandang pinakataas ng park para mag selfie at groupie with my family.

Sa bandang pinakataas ng park ay nandun ang Safari Gallery na kung saan ibat ibang klase ng mga hayop ang na preserve at naka display sa museum na yun.  Sabi ng nagbabantay doon na binili pa raw ni Sir Chavit ang mga hayop na yun sa Africa. Sunud-sunod pa panalo ni Pacman nun. :)

 

Ang Fire Dance ay naganap nung mag gagabi na. Dahil dala ko ang aking DSLR Nikon Camera ay may kuha akong larawan sa mga dancers. See below.

Ang ganda ng show at aliw na aliw ang mga kasama lalo na yung bunso kong anak na si Richmond dahil sa bumubuga ng apoy ang mga dancers sa pamamagitan ng konting magic. :)

Saglit lang yung Fire Dance kaya pagkatapos nun ay umalis agad kami dahil hinabol naman namin yung Dancing Light Fountain sa Plaza.

Pagdating namin sa Plaza ay malapit na palang matapos ang Dancing Fountain. Mga 30 minutes lang kasi yun. Usually mga between 6pm to 7pm pinaaandar ang fountain. See below.

Pagkatapos namin manood sa fountain ay kumain muna kami sa Macdo then umuwi na.

Mga 9pm na siguro ang oras nun.

Ito ngayon ang masaklap. Nung nasa bandang Santo Domingo na kami nun nung biglang na flat yung gulong yung sinakyan naming van. Durog na durog yung gulong at bunti na lang hindi masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan.

Huminto yung sasakyan at bumaba muna kami. Buti na lang may reserbang gulong at kumpleto kami ng tools para sa gulong.

Ang masaklap pa madilim ang lugar kung saan kami nasiraan dahil gabi na. Buti na lang may flash light ang cellpon ng isang kasama namin.

Mahigit 30 minutes din bago namin naisalpak yung pamalit dun sa nasirang gulong at nakauwi na rin kami ng safe sa bahay.

Ano ba ang 2 lessons dito?

First Lesson:
Yung unang lesson dito ay yung pagkakaroon ng reserbang gulong lagi lalo na kung ang byahe mo ay malayo para siguradong makakarating ka sa lugar na pupuntahan mo.  Kaya make sure na kung bibiyahe ka ng medyo malayu-layo siguraduhin mo na ok ang reserba mong gulong para makarating ka sa pupuntahan kahit ma flat tire ka pa sa kalagitnaan ng biyahe.

Sa tunay na buhay, pwede ihalintulad sa sa income natin, dapat hindi lang iisa ang magiging source of income natin katulad ng gulong na may reserba lagi. Kelangan may second income tayo para kahit mawala man yung unang source ng income natin ay meron pa tayong pagkukunan na iba para masustentuhan ang pangangailangan ng ating pamilya.

I-imagine mo friend kung mawalan ka ng work bukas at wala kang ibang pinagkakakitaan maliban sa sweldo mo. Ano ang magiging pakiramdam mo? Maibibigay mo ba yung lifestyle na dati mong binibigay sa family mo?

Second Lesson: Kelangan kumpleto lagi ang tools kapag bumibyahe para kung sakaling masiraan ay may magagamit na pang repair kung ano mang klase ng sira ang aabutin mo.

Ganyan din kung may online business ka, dapat may mga marketing tools kang ginagamit para lalong mapadali ng promotion ng business mo.

Kung willing kang pag-aralan ang mga online marketing tools na makakatulong sa business na ginagawa mo ngayon para makapag generate ka pa ng mas maraming sales para lalong kumita ka ng malaki sa business mo, click mo lang yung link below para mapanood mo yung FREE Training Video.

At para maranasan mo na maging automated na ang processo ng marketing mo mula prospecting, presentation, follow up hanggang sa closing.

Dati manu-manu rin akong naghahanap ng mga prospects sa internet. PM dito, PM dun. Tag dito, tag doon na minsan nagagalit na yung mga friends ko dahil palagi ko silang tinatag kahit wala naman sila sa picture.

Para kang nagdikit ng poster sa harap ng kapitbahay mo na walang permiso. Very old school at un-ethical kasi ang ganung strategy.

May mga advance marketing strategy na kasi ngayon na mas effective at mas nagbibigay sa atin ng Time Freedom sa ating business.

Friend, yung dating Windows98 ay Windows10 na ngayon kaya kelangan magbago na rin tayo ng strategy dahil kung old schools pa rin ang ginagamit mo, hindi mo mararanasan ng pagkakaroon ng marming qualified prospects na sasali sa business opportunity mo.

Sa mga bagong strategy ang mga interested prospects lang ang makakakita sa offer mo at mga interesadong prospects lang ang kakausapin mo. Mga interesadong prospects na rin ang kusang lalapit sayo para mag inquire about sa business mo.

At dito mo na rin mararansan ang Zero Rejection Marketing.

Kung ready ka nang matutunan ang mga ito,

CLICK HERE TO LEARN MORE

P.S.

Kung may nagustuhan ka sa post na ito, please free to type your comment below.  Kung may tanong ka, type mo lang din at sasagutin ko yan pag nabasa ko.

Comments

comments