Bakit Hindi Sapat ang Pagtitipid Upang Maging Mayaman?

“Kapag bitin ang kumot, matutong mamaluktot”

Isang sikat na kasabihan ito na karaniwang sinasabi kapag kulang o hirap sa buhay ang isang tao. Nangangahulugan na dapat na matutong maging kuntento o ibagay ang sarili sa nakalatag na sitwasyong pinansyal sa pang araw-araw. Kung hindi sapat ang kinikita, matutong magtipid. Tama nga naman. Ngunit hindi sapat ang pagtitipid “lang” upang guminhawa ang buhay.

Bakit?

Idaan natin sa kwento.

Si Juan ay isang karaniwang manggagawa at walang pamilya. Kumikita siya ng 400 pesos kada araw. Ang magandang ugali ni Juan ay marunong at magaling syang magtipid. Dahil marunong sa buhay, alam nya ang pagkakaiba ng “Needs” vs. “Wants”, at iniaayon nya ang kanyang desisyon sa paggastos batay dito.

Araw-araw ay gumagastos si Juan ng 30 pesos para sa balikang pamasahe sa jeep, at 150 pesos para sa agahan, tanghalian at hapunan. Dahil matipid sa paggamit ng kuryente at tubig, umaabot lang sa 700 pesos ang bayad nya dito kada buwan. 1500 ang upa nya kada buwan sa maliit na kwarto. Hindi siya bumibili ng bagong mga damit o gamit sa bahay dahil naniniwala sya na dagdag gastos lang ang mga ito. Hindi rin sya sumasama sa mga gimik tuwing nagyayaya ang kanyang mga kaibigan.

Ngayon magcomute tayo.

Sweldo: 400 pesos/araw x 22 working days = 8,800 pesos/buwan

Mga pinagkakagastusan:
1. Pamasahe: 30 pesos/araw x 22 working days = 660 pesos/buwan
2. Pagkain: 150 pesos/araw x 30 days = 4,500 pesos/buwan
3. Kuryente at Tubig = 700 pesos/buwan
4. Bahay (Renta) = 1500 pesos/buwan

Kabuuang gastos = 7,360 pesos/buwan

Matitira para sa ipon: 8,800 – 7,360 = 1,440 pesos/buwan

Ito ang naiiipon ni Juan kada buwan “dahil nagtitipid sya”. Magttrabaho sya sa loob ng 30 taon at dahil magaling siyang magtipid napanatili nya ang 1,440 pesos kada buwan na ipon. Dumating ang kanyang retirement. Nang binilang niya ang naipon niya, hindi siya natuwa, dahil tumataginting na 518,400 pesos lang ang kanyang naipon sa loob ng 30 taon.

Ang Tanong:
1.) Paano kung magkaron na ng asawa at mga anak si Juan?
2.) Paano kung magkaron ng mga di inaasahang pangyayari at kailanganin nya galawin ang kanyang naipon?

Hindi sapat na matipid ka lang. Kailangang isipin natin kung paano natin madadagdagan ang kasalukuyang kinikita sa ating mga trabaho. Ang pagtitipid ay may limitasyon. Walang karaniwang tao na yumaman dahil sa pagtitipid “lang”. Mag-isip at dagdagan ang iyong pinagkakakitaan. (By: Doc Isko)

KUNG NAGUSTUHAN MO ANG ARTICLE NA ITO, PLEASE TYPE YOUR COMMENT BELOW.

To your success,

Eric Espejo

 

 

 

 

 

P.S.  Para sa mga karagdagang strategy how to market online effectively pwede ka mag attend sa aming FREE Live Online Training. Click here to register. 



Comments

comments