Bakit Mahalaga Ang Insurance?

Sa ating araw-araw na aktibidad hindi natin masasabi kung gaano tayo ka safe sa paligid na ginagalawan natin. Andyan ang aksidente, pagkakaroon ng sakit, pagkamatay at marami pang iba klase ng di inaasahang malas sa ating buhay.

Dito tayo nagkakautang ng malaki sa mga kamag-anak at kaibigan dahil hindi tayo handa sa mga ganitong pagkakataon.

Kung may insurance ka, napakalaking tulong ito para matustusan ang ganitong malaking gastos dahil sasagutin ng insurance ang mga ibang magagastos. Insurance ang magbabayad sa mga nagastos mo sa ospital, pagpapa repair ng sasakyan at kahit pagpapatayo ng bahay kung ikaw ay nasunugan, binaha o kaya sinira ng malakas na lindol.

Narito ang mga ilang klase ng insurance.

Medical or Health Insurance
Ang Philhealth Card ang isa sa halimbawa ng ganitong klase ng insurance. Tinatawag din itong short term medical insurance dahil renewal ito yearly, quarterly or monthly. Kung ikaw ay edad 21 hanggang 65 ay pwede ka na kumuha ng medical insurance. Pwedeng isama sa coverage ng insurance ang mga anak na edad 21 pababa. Base sa nakasaad sa policy, pwedeng bayaran ng medical insurance ang mga gastusin sa ospital tulad ng bayad sa operasyon, doctor’s fee, gamot at pati na rin gamot.

Ayon sa aking karanasan nung nanganak ang misis ko, ang total expense namin ay nabawasan ng 60% kaya napakalaging bagay ang makukuhang discount kung may insurance ka. Ginamit nya ang kanyang PhilHealth Card.

Life Insurance
Sa pamamagitan ng life insurance, binibigyan nito ang proteksiyon ang buhay ng isang tao kung may masamang mangyari ito sa kanya tulad ng kamatayan, disability, sakit at aksidente. Kung mawala sa mundong ibabaw ang taong insured, babayaran ng insurance company ang kanyang beneficiaries ng halaga ayon sa kontrata sa insurance.

Makikita dito sa baba ang kinuha kong insurance sa 2 company mid of 2015.

Ang isa dito ay mula sa PNB Life na one time payment ng 100,000. Ito ay isang klase ng investment with link insured amount na 125% at pwede pa itong dagdagan pa kung gusto ko. Please see below copy of my policy information.

Ang pangalawa ay sa kinuha ko sa Prulife which is payable in 5 years with a monthly payment of P5,000 na auto debit sa aking bank account.

Prulife Policy Copy

Auto Debit Transaction

Home Insurance
Malaki o maliit man ang bahay ng isang tao, malaking pera ang napunta dito sa kanyang investment dahil isa sa mga pangunahing pangarap ng isang mamayang Pilipino ang magkaroon ng bahay. Kung nasira ang iyong bahay ng lindol, baha o kaya sunog, ang insurance ang tutulong sayo para maipatayo mo ulit ang nasirang bahay.

Car Insurance
Kung may sasakyan ka, mahalalang magkaroon ka ng insurance para dito. Kung may mangyaring aksidente sayo, ang insurance ang sasagot sayo. Ang car insurance ay ang kontrata mo sa issuing company. Kung sakaling mabangga o manakaw ang kotse mo, ang insurance ang sasagot sa magagastos dito.
Sa pamamagitan ng Comprehensive Auto Insurance, magku-cover ng lahat ng damages kung may mangyari sa kotse mo.

Accident Insurance
Dahil mahalaga sa atin ang ating pamilya kaya tayo kumukuha ng Personal Accident Insurance. Itong klase ng insurance ang sasagot sa gastusin sa ospital dahilan ng inyong pagka aksidente. Dito pwede mong I re-imburse ang mga nagastos mo sa ospital.

Pwedeng i-extend ang coverage ng PA insurance at pwedeng isama dito ang para ma cover nya ang pagkamatay (Murder) lalo na sa gastos sa pagpapalibing, at pati na rin ang dobleng bayad kapag ikaw ay naaksidente sa eroplano o barko.

To your success,

Eric Espejo

 

 

 

 

 

P.S. If your learned something from this blog post, feel free to type your comment and questions below. Please don’t forget to like me in Facebook.



Comments

comments