Category Archives: Uncategorized

2 Lessons from Vigan City

Ngayong araw na ito gusto ko lang I kwento sau yung naging experience ko nung pumunta ako sa Vigan City together with my family and in laws.

Mula sa aming bayan na Badoc papunta sa Vigan, ay mga 20 minutes ang biyahe pero umabot kami ng 40 minutes dahil sa maraming ni re repair na kalsada sa ibat ibang bayan kaya medyo mabagal ang usad ng traffic.

Lumuwas kami sa bahay bandang alas dos-medya ng hapon at dumiretso kami sa kilalang park ni Sir Chavit Singson na kung tawagin ay Baluarte.

Dati rati kapag umaga kami pumupunta ay FREE lang ang entrance. Pero sa araw na yun ay may naganap na Fire Dance sa loob ng park kaya may bayad.

Nung mga bandang 3:30pm pa lang ay umakyat kami sa bandang pinakataas ng park para mag selfie at groupie with my family.

Sa bandang pinakataas ng park ay nandun ang Safari Gallery na kung saan ibat ibang klase ng mga hayop ang na preserve at naka display sa museum na yun.  Sabi ng nagbabantay doon na binili pa raw ni Sir Chavit ang mga hayop na yun sa Africa. Sunud-sunod pa panalo ni Pacman nun. :)

 

Ang Fire Dance ay naganap nung mag gagabi na. Dahil dala ko ang aking DSLR Nikon Camera ay may kuha akong larawan sa mga dancers. See below.

Ang ganda ng show at aliw na aliw ang mga kasama lalo na yung bunso kong anak na si Richmond dahil sa bumubuga ng apoy ang mga dancers sa pamamagitan ng konting magic. :)

Saglit lang yung Fire Dance kaya pagkatapos nun ay umalis agad kami dahil hinabol naman namin yung Dancing Light Fountain sa Plaza.

Pagdating namin sa Plaza ay malapit na palang matapos ang Dancing Fountain. Mga 30 minutes lang kasi yun. Usually mga between 6pm to 7pm pinaaandar ang fountain. See below.

Pagkatapos namin manood sa fountain ay kumain muna kami sa Macdo then umuwi na.

Mga 9pm na siguro ang oras nun.

Ito ngayon ang masaklap. Nung nasa bandang Santo Domingo na kami nun nung biglang na flat yung gulong yung sinakyan naming van. Durog na durog yung gulong at bunti na lang hindi masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan.

Huminto yung sasakyan at bumaba muna kami. Buti na lang may reserbang gulong at kumpleto kami ng tools para sa gulong.

Ang masaklap pa madilim ang lugar kung saan kami nasiraan dahil gabi na. Buti na lang may flash light ang cellpon ng isang kasama namin.

Mahigit 30 minutes din bago namin naisalpak yung pamalit dun sa nasirang gulong at nakauwi na rin kami ng safe sa bahay.

Ano ba ang 2 lessons dito?

First Lesson:
Yung unang lesson dito ay yung pagkakaroon ng reserbang gulong lagi lalo na kung ang byahe mo ay malayo para siguradong makakarating ka sa lugar na pupuntahan mo.  Kaya make sure na kung bibiyahe ka ng medyo malayu-layo siguraduhin mo na ok ang reserba mong gulong para makarating ka sa pupuntahan kahit ma flat tire ka pa sa kalagitnaan ng biyahe.

Sa tunay na buhay, pwede ihalintulad sa sa income natin, dapat hindi lang iisa ang magiging source of income natin katulad ng gulong na may reserba lagi. Kelangan may second income tayo para kahit mawala man yung unang source ng income natin ay meron pa tayong pagkukunan na iba para masustentuhan ang pangangailangan ng ating pamilya.

I-imagine mo friend kung mawalan ka ng work bukas at wala kang ibang pinagkakakitaan maliban sa sweldo mo. Ano ang magiging pakiramdam mo? Maibibigay mo ba yung lifestyle na dati mong binibigay sa family mo?

Second Lesson: Kelangan kumpleto lagi ang tools kapag bumibyahe para kung sakaling masiraan ay may magagamit na pang repair kung ano mang klase ng sira ang aabutin mo.

Ganyan din kung may online business ka, dapat may mga marketing tools kang ginagamit para lalong mapadali ng promotion ng business mo.

Kung willing kang pag-aralan ang mga online marketing tools na makakatulong sa business na ginagawa mo ngayon para makapag generate ka pa ng mas maraming sales para lalong kumita ka ng malaki sa business mo, click mo lang yung link below para mapanood mo yung FREE Training Video.

At para maranasan mo na maging automated na ang processo ng marketing mo mula prospecting, presentation, follow up hanggang sa closing.

Dati manu-manu rin akong naghahanap ng mga prospects sa internet. PM dito, PM dun. Tag dito, tag doon na minsan nagagalit na yung mga friends ko dahil palagi ko silang tinatag kahit wala naman sila sa picture.

Para kang nagdikit ng poster sa harap ng kapitbahay mo na walang permiso. Very old school at un-ethical kasi ang ganung strategy.

May mga advance marketing strategy na kasi ngayon na mas effective at mas nagbibigay sa atin ng Time Freedom sa ating business.

Friend, yung dating Windows98 ay Windows10 na ngayon kaya kelangan magbago na rin tayo ng strategy dahil kung old schools pa rin ang ginagamit mo, hindi mo mararanasan ng pagkakaroon ng marming qualified prospects na sasali sa business opportunity mo.

Sa mga bagong strategy ang mga interested prospects lang ang makakakita sa offer mo at mga interesadong prospects lang ang kakausapin mo. Mga interesadong prospects na rin ang kusang lalapit sayo para mag inquire about sa business mo.

At dito mo na rin mararansan ang Zero Rejection Marketing.

Kung ready ka nang matutunan ang mga ito,

CLICK HERE TO LEARN MORE

P.S.

Kung may nagustuhan ka sa post na ito, please free to type your comment below.  Kung may tanong ka, type mo lang din at sasagutin ko yan pag nabasa ko.

Na Lebron James Ka Ba?

lebron-james-2016

Katatapos lang ng NBA Finals at panalo ang team ni Lebron James na Cavaliers.

Tanong…

Sa tingin mo ba mananalo ang Cavaliers kung si Lebron lang ang tumitira at hindi tutulong sina Kyrie Irving at iba pang nilang kasama?

Maganda ang depensa ng Cavaliers kanina lalo na yung mga rejection ni Lebron sa kanila kapag lumalapit ang Warriors na mag shoot sa kanilang ring.

Ibig sabihin, hindi lang puro shoot para manalo sa larong basketball.

Kelangan din ng magandang depensa gaya sa ginawa ng Cavaliers kanina kaya sila nanalo.

At dapat kumpleto rin ang manlalaro para mas mataas ng porsiyento ang panalo.

Sa Warriors, wala yung isang player nila na malaki na si Andrew Bogut kaya isang bagay din yun ng kanilang pagkatalo.

Pagdating sa online business ganun din. Hindi lang puro old schools na prospecting ang dapat na ginagawa mo.

Kelangan mo rin matutunan ang mga bagong skill at technology pagdating sa online marketing.

Marami na ang sumubok sa online business pero kadalasan sa kanila ay walang sapat na skills kung paano ang tamang marketing kaya sabi ng iba na hindi raw nag work sa kanila.

Oo maraming kumikita at meron namang hindi.

Ano ba ang pinagkaiba nila?

Kung ako ang tatanungin I’ll put it this way…

Tanong: Tatakbo ba ng maayos ang isang kotse na kulang ng isang gulong?

Naman…Syempre HINDI!

Hindi din magwo-work ng maayos ang isang negosyo kung may kulang.

Yun ang problema.

Marami ang sumusubok na mag-online business pero kadalasan may kulang dun sa ginagawa nila.

Kung sila ng sapat na kaalaman lalo na sa mga bagong marketing strategies na available sa internet today.

Lalo na pagdating sa facebook marketing, mapapansin mo madalas kapag may business opportunity ang isang tao ay puro post sa kanilang wall at nag ta tag sa ibat-ibang facebook friends na minsan nagagalit pa yung friends nila dahil naka tag sila na wala naman sila sa picture. :)

Ngayong araw malalaman mo ang mga tamang ingredients pagdating sa online business.

Ituturo ko sau step by step kung paano ang tamang pag market online lalo na sa facebook.

Click here to proceed to Step 1…

To your success,

Eric Espejo


 

 

 

 


 

Manny Pacquiao vs Timothy Bradley 3

Pacquiao-vs-Bradley-3

Full Video

How To Overcome Rejection in Online Business

I was so excited na I share sayo yung topic namin sa FREE webinar kagabi. Ang FREE Online Training ng team namin ay ginaganap tuwing Lunes na open sa lahat ng mga Pinoy Business Owners at yung isang training ay tuwing Friday (For Members Only) naman. Actually mas malulupit ang turo tuwing Friday Training. Ang mga trainings na ito ay magagamit sa kahit anong business na meron ka ngayon mapa offline or online man.

Balik tayo doon sa training kagabi na ang focus ay kung paano i overcome ang Rejection at kung paano ang strategy sa pagkakaroon ng tuluy-tuloy na supply ng mga positive prospects sa ating Online Business o kahit ano pa mang business na meron ka.

Itinuro doon sa training kagabi kung paano makakuha ng 60+ na interested prospects daily gamit ang Paid Ads sa Facebook which is very effective ito dahil ako mismo ay gumagamit na ng Paid Ads since last year. At dahil hindi ka na nauubusan ng mga interested araw-araw, hindi mo na papansinin ang mga negative na prospects.

Ang kagandahan sa Paid Ads ay puro interested prospects lahat ang makakakita sa ads mo.

Magpapakita ito sa Facebook Wall ng mga FB friends mo na interesadong makakakita sa offer mo.So never ka nang makakatanggap ng mga negative na inquiries dahil puro interesadong prospects ang mang i inquire sa business mo.

Let say ang ang business na pino promote ay about sa health so pwede mong pakitaan lang ng ads yung mga taong interesado lang about sa health katulad ng mga taong gusto magpa payat.

Ang maganda dito kahit dimo nakakausap ang makakita ng ads mo ay pwede kang makabenta.

Minsan nga merong nag member sa team ko na hindi ko man lang siya nakausap ng personal o kahit man lang sana FB chat. Nakita ko na lang na may pumasok na direct referral bonus sa aking back office.

Ang maganda sa Ethical Way of Online Marketing ay pwede mong i automate yung business mo para kahit natutulog or busy ka sa ibang bahay ay meron kang system na nagma market para sayo. Natutulog ka pero may automated system na gumagawa ng prospecting para sayo. That’s the beauty of Ethical Ways of Marketing Online dahil hindi ka na magma manu-manu sa pag follow up at pag present sa sa mga prospects mo.

Dati nung diko pa napag aralan ang mga ganitong strategy sa marketing, halos gabi gabi ay napupuyat ako sa pag market at pag follow up sa mga prospects. Halos 100% kasi dati ang manu manu pa ang marketing ko.

Isa pang napakagandang topic nan a discuss sa training is about video or youtube marketing. Very effective din itong strategy sa online business o kahit anong klase pa ng business mo. I will do youtube marketing soon. Abangan… :)

Kung naka-attend ka kagabi at ngayon na alam mo na kung ano yung mga tamang diskarte.

Syempre gusto mong malaman kung ano ng next di ba?

Ang next na gagawin mo ay i-apply mo ang mga diskarteng natutunan mo sa isang vehicle na tutulong sa’yo para ma-achieve mo ang goal mo ng mas mabilis at ng mas madali.

Ito Yung Vehicle Na Tutulong Sa’yo… Take A Look

Tamang Diskarte + Tamang Vehicle For Success = YOURSuccess

Ganyan lang kasimple!

Here’s Your Vehicle To Success.. CLICK HERE.

KNOWLEDGE, WISDOM AND POSITIVE ATTITUDE is the key to success…

 

To your success,

Eric Espejo

 

 

 

 

 

 

P.S. If your learned something from this blog post, feel free to type your comment and questions below. Please don’t forget to like me in Facebook.

 

Bakit Mahalaga Ang Insurance?

Sa ating araw-araw na aktibidad hindi natin masasabi kung gaano tayo ka safe sa paligid na ginagalawan natin. Andyan ang aksidente, pagkakaroon ng sakit, pagkamatay at marami pang iba klase ng di inaasahang malas sa ating buhay.

Dito tayo nagkakautang ng malaki sa mga kamag-anak at kaibigan dahil hindi tayo handa sa mga ganitong pagkakataon.

Kung may insurance ka, napakalaking tulong ito para matustusan ang ganitong malaking gastos dahil sasagutin ng insurance ang mga ibang magagastos. Insurance ang magbabayad sa mga nagastos mo sa ospital, pagpapa repair ng sasakyan at kahit pagpapatayo ng bahay kung ikaw ay nasunugan, binaha o kaya sinira ng malakas na lindol.

Narito ang mga ilang klase ng insurance.

Medical or Health Insurance
Ang Philhealth Card ang isa sa halimbawa ng ganitong klase ng insurance. Tinatawag din itong short term medical insurance dahil renewal ito yearly, quarterly or monthly. Kung ikaw ay edad 21 hanggang 65 ay pwede ka na kumuha ng medical insurance. Pwedeng isama sa coverage ng insurance ang mga anak na edad 21 pababa. Base sa nakasaad sa policy, pwedeng bayaran ng medical insurance ang mga gastusin sa ospital tulad ng bayad sa operasyon, doctor’s fee, gamot at pati na rin gamot.

Ayon sa aking karanasan nung nanganak ang misis ko, ang total expense namin ay nabawasan ng 60% kaya napakalaging bagay ang makukuhang discount kung may insurance ka. Ginamit nya ang kanyang PhilHealth Card.

Life Insurance
Sa pamamagitan ng life insurance, binibigyan nito ang proteksiyon ang buhay ng isang tao kung may masamang mangyari ito sa kanya tulad ng kamatayan, disability, sakit at aksidente. Kung mawala sa mundong ibabaw ang taong insured, babayaran ng insurance company ang kanyang beneficiaries ng halaga ayon sa kontrata sa insurance.

Makikita dito sa baba ang kinuha kong insurance sa 2 company mid of 2015.

Ang isa dito ay mula sa PNB Life na one time payment ng 100,000. Ito ay isang klase ng investment with link insured amount na 125% at pwede pa itong dagdagan pa kung gusto ko. Please see below copy of my policy information.

Ang pangalawa ay sa kinuha ko sa Prulife which is payable in 5 years with a monthly payment of P5,000 na auto debit sa aking bank account.

Prulife Policy Copy

Auto Debit Transaction

Home Insurance
Malaki o maliit man ang bahay ng isang tao, malaking pera ang napunta dito sa kanyang investment dahil isa sa mga pangunahing pangarap ng isang mamayang Pilipino ang magkaroon ng bahay. Kung nasira ang iyong bahay ng lindol, baha o kaya sunog, ang insurance ang tutulong sayo para maipatayo mo ulit ang nasirang bahay.

Car Insurance
Kung may sasakyan ka, mahalalang magkaroon ka ng insurance para dito. Kung may mangyaring aksidente sayo, ang insurance ang sasagot sayo. Ang car insurance ay ang kontrata mo sa issuing company. Kung sakaling mabangga o manakaw ang kotse mo, ang insurance ang sasagot sa magagastos dito.
Sa pamamagitan ng Comprehensive Auto Insurance, magku-cover ng lahat ng damages kung may mangyari sa kotse mo.

Accident Insurance
Dahil mahalaga sa atin ang ating pamilya kaya tayo kumukuha ng Personal Accident Insurance. Itong klase ng insurance ang sasagot sa gastusin sa ospital dahilan ng inyong pagka aksidente. Dito pwede mong I re-imburse ang mga nagastos mo sa ospital.

Pwedeng i-extend ang coverage ng PA insurance at pwedeng isama dito ang para ma cover nya ang pagkamatay (Murder) lalo na sa gastos sa pagpapalibing, at pati na rin ang dobleng bayad kapag ikaw ay naaksidente sa eroplano o barko.

To your success,

Eric Espejo

 

 

 

 

 

P.S. If your learned something from this blog post, feel free to type your comment and questions below. Please don’t forget to like me in Facebook.